FAQs


1. Pwede ba gumawa ng sariling design?-- Oo. Kapag nakagawa ka na, ipost mo lang dito sa blog. Labelan mo nang maayos (colors, front design, etc.). Magdagdag rin ng label na may ganitong format:




name of design+version ex. SYMBOLSandFACES v.GB



2. Paano magpopost?-- Kung author ka na ng blog na ito, mayroong link sa itaas ng window mo na “New Post.”





3. Paano maging author ng blog na ito?-- Sa sidebar ay may makikita kang AUTHOR REQUEST. Ilagay lamang ang impormasyon na kailangan – pangalan at e-mail address. Maaari mong iwang blangko ang message field. Iimbitahin kita para maging author sa loob ng 24 oras hanggat kaya.





4. Saan magcoconfirm para sa shirt?-- Sa post na IMPORTANTE: BASAHIN DIN ay maaari kang magkomento at sabihin na kinukumpirma mo ang pagpapagawa mo ng shirt. Maaari ka ring magtext sa amin (jast at doi - dahil parehas kaming author dito).





5. Saan ilalagay ang size?-- Pumunta sa post na ito – Shirt Sizes





6. Saan magcocomment at magsusuggest ng design?-- May mga posts na ang label ay front-shirt design o back-shirt design (makikita ito sa LABELS sa sidebar). Magkomento lamang sa kahit na anong post na may ganyang label. Maaari kang magbigay ng ideya ng panibagong design. Susubukan naming gawin ang sinasabi mo.





7. Paano kung gusto ko lang magshout-out?-- Gamitin ang chat box. Iyon ay para sa mga off the topic na mga pahayag lamang.





8. Paano makita yung iba pang designs?-- Hanapin na lamang sa LABELS. May mga pangalan ang bawat designs.





9. Paano kung ayaw ko yung kulay o yung arrangement ng final design?-- Pagdating ng botohan, bumoto nang naaayon sa nais ninyong disenyo. Kung may nais kayong ipabago, magkomento lamang at sabihin kung aling design iyon. Kung marami ang sasang-ayon sa gusto mo, babaguhin natin ang design. I-momodify kumbaga.





10. Paano kapag wala akong pera ngayon?-- Pwede naman tayong mangutang. (Wag na kay Erik dahil may iba na siyang sasagutin. Chaka nyo na malalaman kung ano yon.)


Nasagot ba ang inyong katanungan? Kung hinde, magcomment lamang dito at ipost ang tanong.